Monday, March 9, 2009

LOADING

Mga ilang araw bago magbisperas ng Bagong Taon may PlayStation 2 na ako.

Sa wakas.

Yehey!

Napalundag ako sa tuwa.

May magpaglilibangan na ako kahit holidays.

Second hand lang po yun. Hindi galing sa mga malls o dun sa mga booth na nagbebenta ng ps2. Binili ko lang sa kaibigan ko. Tutal hindi na niya nagagamit yun. Saka galing yun sa dayuhang bansa, Amerika po (ang drama ko noh?!), regalo ata na tita niya.

Tuwang-tuwa ako nang dumating yun sa amin, via LBC (ang sosi!). Laro agad ako, pili ng games, tapos loading, tapos ayan, laro na. Pindot, pindot, pindot, pindot, hanggang magsawa ka.

Pero di yata ako nagsawa. Magdamag ako naglaro. Madaling araw na ako natulog ( buti na lang hindi ako sinigawan ni mama). One Piece, Resident Evil, Onimusha, Shining Force, Grandia, Valkyrie Profile 2, God of War, etc. etc. Madami nga, pero hindi lahat natapos ko.

Para sa mga game addict, natural naman na uumagahin ka sa kalalaro ng mga walkthrough games tulad ng mga nabanggit. Mahaba yun story, minsan isang buwan bago mo matapos yan kung tipid ka sa kuryente o kaya kung madami kang ginagawa.

Nang magsawa ako sa Valkyrie Profile, sa hindi ko muna babanggitin na dahilan, naglaro ako ng God of War.

Hanep! Astig! Brutal talaga!

Di ata to pwede sa mga menor de edad kasi nga may "blood and gore" talaga. Violent graphics minsan kahit maganda yun story line. Bahala na ang mga magulang na magpasya. Ingatan nyo lang kung ano yun mga nilalaro ng mga anak nyo sa ps2.

Malapit na tayo dumating sa climax ng aking blog entry.

Ganda talaga ng "god of war." Maaksyon. Nakakaexciting. Hampas dito, hampas doon. Tumagal ata ako ng 2 o 3 araw sa kalalaro. Dumating ako sa stage na kung saan nakita ko si "Atlas" kilala nyo? Sa Greek mythology, pasan niya ang daigdig. Tapos, medyo napagod na yata ako sa kalalaro kaya natulog na ako pagtakatpos ko i-save yun stage na kung nasaan ako. Pinatay ko yun tv at ps2 tapos zzzzzzzzzz.....

Nang magising ako, kain muna. Routine ko yan. Di kumpleto ang umaga pag walang laman sikmura ko.

Tapos, balik laro ulit. Yehey!

Isinaksak ko yun mga kurdon, binuksan yun tv at ps2, yan god of war na ulit.

Pinindot ko yun "load" sa main menu. Excited... handa na ako sa panibagong eksena sa ps2 na ala-babangon ako't dudurugin kita! Pinindit ko yun stage na na-i-save ko... yan naaaaaaaaa.....

WALA!!!

Oo wala! Ayaw mag-load! Nabagsakan yata ako ng bato-bato sa langit. Inulit ko uli, ganun din.

Napamura ako (wag nyo na tanungin kung ano). Basta napamura talaga ko sa tagal. Excited kasi... sino ba naman ang hindi mapapamura, maasar, maiinis o kaya mabubuwisit sa tagal ng kaantay lalo na kung excited ka.

Buti na lang may extra DVD na pareho ang title, sinubukan ko yun, ayaw pa rin... mura ulit.

May iba pang DVD, sinubukan ko ulit, ayaw pa rin... P*#@$%^&% (Parental Guidance is Highly Recommended).

Inis na inis talaga ako. Kahit ano gawin ko ayaw talaga mag-load. Naku naman.

Nag-text tuloy ako sa mga kaibigan ko, ala "Lovingly Yours, Helen" ang eksena. Sinabi ko na ayaw mag-load ng game kahit ano gawin ko. Sabi nila ganun din daw sila.

Kaya pala eh.

Ito yata yun napapala ng mga bumibili ng pirated.

Naparusahan yata ako.

Bili na lang ako ng orig... iba kasi pag original.

Tuesday, February 3, 2009

KAMATAYAN NG AWTOR (Death of an Author)

Nakakalungkot isipin na kapag hindi ka pinahalagahan sa isang bagay na ginawa mo. May mga tao ka na natulungan, natuto sila at lumipad dahil sa iyo. Lumawak ang kanilang pag-unawa sa mundo dahil sa mga pangaral mo o kaya sa mga bagay na ginawa mo sa ikabubuti nila para palawakin ang kanilang perspektibo sa buhay. Ngunit, matapos mo gawin ang lahat, hindi ka na bahagi ng isang bagay na ginawa mo. Nasa labas ka. Hindi na sa iyo ang ginawa mo kundi para sa mundo na. Kahit ano pa gawin mo hindi ka na bahagi nun. Ang saklap!

Ganito ang reaksyon ko matapos matutunan ang isang teorya ni Roland Barthes tungkol sa “Kamatayan ng Awtor” (Death of an Author). Sa pag-aaral ng isang teksto, hindi dapat ihalo ang mga opinion ng orihinal na awtor sa kritisismo ng isang teksto ng panitikan. Dahil ang mga nilalaman ng kwento ng isang nobela, dula, tula at maikling kwento kalipunan ng mga pag-iisip na nagmula mismo sa kapaligiran at lipunan ng awtor. Ang mga temang iyon ay ang siyang humugis sa isang teksto ng panitikan, at ang awtor ay isa lamang instrumento upang isa-teksto ang mga temang iyon upang maipaliwanag ng husto ang isang ideya o kalipunan ng mga ideya sa mamambabasa.

Ayon kay Barthes, isang definitive ang interpretasyon sa pag-aaral ng panitikan kung ihahalo ang mga opinion ng awtor. Upang palawakin ang idelohiya sa pag-aaral at pag-unawa ng panitikan, isinantabi niya ang mga opinyon ng awtor upang hindi ito maging, ayon sa kanya, isang “biased” na perspektibo. Pinalawak at pinalalim ang pag-aaral ng panitikan sa pamamagitan ng mabuting pagsasaliksik sa konteksto nito, halimbawa: ang lipunan, kasaysayan, mga tunay na kaganapan at iba pa na nagtulak sa awtor upang isa-teksto ang isang kaisipan o lipunan ng mga kaisipan.

Maraming mga teorya na maaraming magamit sa pag-aaral ng panitikan na isinantabi ang awtor. Halimbawa dito ang mga teorya na nasa ilalim ng postistrukturalismo. Ngunit ito ay nagbigay ng hindi lang malawak ng pag-unawa, kundi multiplicity ng interpretasyon na lalong pinalalim ang disiplina sa pag-aaral ng panitikan.

Ang malungkot ay kung ako ay sumulat ng isang teksto para sa panitikan, kahit na ito ay isang tula, dula, maikling kwento o nobela, hindi na ako magiging bahagi sa pag-aaral ng teksto na isinulat mismo ng aking mga kamay. Kahit na ang lipunan nga ang humugis ng mga ideya sa aking isipan, may mga personal na karanasan din ang isang awtor (ako) na aking inilagay sa teksto. Medyo mahirap tanggapin na kahit ako ang awtor, ako ay isa lamang instrumento upang isa-teksto at maging boses ng mga kalipunan ng mga ideya.

Sa aking perspekto, ang panitikan ay hindi lamang kalipunan ng mga ideya na mula sa lipunan at kapaligiran, kundi ito ay isa din diary ng talambuhay ng isang awtor. May mga bagay o pangyayari na naranasan ng manunulat at gusto niyang ibahagi sa mambabasa hindi sa halatang paraan. Pero salamat din kay Barthes sa pagpapalawak ng pag-aaral ng panitikan.

The "Dead"

Salamat dun sa nagpadala ng quote na ito sa akin, diretso sa cp ko. Nakakatawa talaga.

Heto po yun:

Friedrich Nietzsche said: "God is dead" (Salbahe ka Nietzsche!)

Roland Barthes said: "The author is dead" (tanungin nyo literature majors para magpaliwanag... hehehehe!)

Bebe Gandang-Hari said: "Rustom is dead" (Juice ko!)

Sunday, December 14, 2008

EDELWEISS

EDELWEISS
Written by: Richard Rodgers and Oscar Hammerstein II

Edelweiss, Edelweiss,
Every morning you greet me,

Small and White,
Clean and bright
You look happy to meet me..

Blossoms of snow

May you bloom and grow,
Bloom and grow forever

Edelweiss,

Edelweiss
Bless my home land forever


Monday, November 17, 2008

BEST ASIA-PACIFIC MOVIE OF ALL TIME



With great joy and pride, I am congratulating the whole staff and cast of one of the most beautiful and unsurpassed masterpieces of the Philippine cinema – Himala (Miracle), which was from the legendary filmmaker and National Artist of Philippine Cinema, Ishmael Bernal.

Recently, the said film won and hailed as CNN APSA Viewer’s Choice Award for the Best Asia-Pacific Film of All Time. It was the right choice and that film really deserves the award because it is really timeless together with one of the brightest stars of the Philippine Movies – Ms. Nora Aunor (who played as Elsa). The cinematic quality and dimension of this film remains unbeatable.

I quoted Nora’s dialogue from the film, which is one of the best movie quotes in the Philippines:

“Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat. Tayo ang gumagawa ng himala. Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga diyos. Walang himala!”

Hat down to all casts and staffs of Himala. It really deserves to be the best!


Additional Sources:

http://edition.cnn.com/2008/SHOWBIZ/Movies/11/13/himala.asiapacificscreenawards/index.html

http://www.asiapacificscreenawards.com/news_room/media_releases/apsa_winners_announced

Saturday, October 4, 2008

Mobile Suit Gundam 00: SECOND SEASON

Synopsis:

Four years since the final battle between Celestial Being and the UN Forces. Humanity, having established the Earth Sphere Federation, forms an independent security preservation force, Arrows, separate from the formal Federation army to further unify nations and the will of mankind. But the reality was the inhumane oppression of anti-government powers, doctrines & ideologies in the name of unity.

Saji Crossroad, who followed the path to becoming a space engineer to keep a promise to Louise Halevy and fulfill a dream, is also compelled to become involved in Federation government reform.

Meanwhile, Setsuna F. Seiei, surviving the final battle 4 years ago, saw the future of the world that had been changed by Celestial Being. With the defeat of guardian Alejandro Corner, he dreamed of a peaceful world without conflict. But before his own eyes was the reality of the continuing strain on peace, the oppression caused by Arrows. He decides once more to fight with Gundam, the power with the potential to change the world.

Where will Setsuna's and Saji's paths take them as the world is set into motion once more?"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I can't wait na... It's October now, the SECOND SEASON'S beginning is at hand...

Friday, September 26, 2008

MARCIA BARTOLOME

MARCIA BARTOLOME'S shall now be known as:

MS. AXIA DALDAL

Bow!